Pagkatapos namin sa comedor, kami ay pumunta sa Cocina. Dito namin
natutunan na ang cocina ay kadalasan matatagpuan na nakahiwalay sa bahay kasi
ito ay itinuturing na may pinaka malaking panganib masunog, dito din namin
natagpuan ang iba't ibang klaseng sinaunang kagamitang panluto. Dito din
matatagpuan ang mga sinaunang pang plantsa, isang
halimbawa nito ay ang prensa de piye na gawa sa kahoy, ito ay inilalapag nang
tuwid sa lapag at ginagamitan nang isang paa para sa pag plantsa nang damit.
Ang aming sunod na pinuntahan ay ang Azotea. Sa azotea nag lalaba at nag
papatuyo nang mga damit. Ito din ay napapaligiran nang mga posteng arko na gawa
sa bato. Ang azotea ay isa ding nakabiting hardin na ginagawang libangan nang
mga tao at kung saan kadalasan nag tsa-tsaa ang mga tao tuwing hapon.
No comments:
Post a Comment