Ang pagpunta sa Museo de
la Salle ay totoo ngang hindi makakalimutan. Ang Museo de la Salle ay itinayo
noong 1996. Sa kasalukuyan, ang museo ay 19 taon ng nakatayo. Ipinatayo ang
museo ni Brother President Andrew Gonzales, FSC, ang kauna-unahang presidente
ng De La Salle University-DasmariƱas. Ang Museo De La Salle ay idinesenyo na
parang bahay na bato na gawa sa adobe at idinesenyo rin kahalintulad ng bahay
ni Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang museo ay malapit sa simbahan,
ayuntamiento, at plaza na kung saan ay mahahalintulad sa bahay ng mga
mayayaman. Ang nagbigay ng malalaking ambag ay ang pamilyang Guevara, Gonzales,
at Panlilio. Ang mga kagamitan rito ay mula 19 hanggang 20 na siglo kaya bawal
ito hawakan at kuhanan ng larawan dahil baka ito ay masira. Marami sa mga
kagamitan ay ginagamit sa pananamit, pagluluto, sining at marami pang iba.
Pinatunayan ng museo na ang museo na ang mga Pilipino ay may iba't ibang paraan
ng pamumuhay.
No comments:
Post a Comment