Thursday, October 29, 2015
Mga bahagi nang Museo (Part 2)
Ang sunod naming pinuntahan ay ang Sala Mayor. Ang sala mayor ay lugar
para sa mga okasyon na tinatawag na tertulias. Ang disenyo nang lugar na ito ay
naka base sa disenyo nang ayuntamiento o city hall. Ang kulay nang lugar na ito ay pula at dilaw katulad nang bandera nang
mga espanyol.
Ang sunod na pinuntahan namin ay ang comedor, ito ay isang malaking
kainan na meroong malalaking lamesa kung saan mag kakasya ang labing-walong
tao. Ang mga pader nito ay puno nang mga iba't ibang klase nang mga plato.
Matatagpuan din dito ang mga Punkahs, ang punkah ay tela na matatagpuan sa
kisame, ginagamit ito pang bugaw nang mga insekto. Meroong hinihigit ang mga
katulong na mahabang tali upang ito ay mapagalaw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment