Thursday, October 29, 2015

Made by:

GROUP NUMBER 5
8-E

Members:
Imee Nicole Reyes
Matt Holden D. Sarroca
Blas Rosario II
Rasheed Taban
Maria Bianca Salazar
Leann Redona
Vince Saure

Conclusion

Madami tayong matututunan sa pagpunta sa isang museo. Isa sa mga natutunan namin ay ang kasaysayan nating mga Pilipino noong panahon ng Espanyol. Sobrang dami ang nalaman namin tungkol sa ating kasaysayan sa pagpunta lamang sa isang museo.

Historya nang Museo De La Salle

Ang pagpunta sa Museo de la Salle ay totoo ngang hindi makakalimutan. Ang Museo de la Salle ay itinayo noong 1996. Sa kasalukuyan, ang museo ay 19 taon ng nakatayo. Ipinatayo ang museo ni Brother President Andrew Gonzales, FSC, ang kauna-unahang presidente ng De La Salle University-DasmariƱas. Ang Museo De La Salle ay idinesenyo na parang bahay na bato na gawa sa adobe at idinesenyo rin kahalintulad ng bahay ni Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang museo ay malapit sa simbahan, ayuntamiento, at plaza na kung saan ay mahahalintulad sa bahay ng mga mayayaman. Ang nagbigay ng malalaking ambag ay ang pamilyang Guevara, Gonzales, at Panlilio. Ang mga kagamitan rito ay mula 19 hanggang 20 na siglo kaya bawal ito hawakan at kuhanan ng larawan dahil baka ito ay masira. Marami sa mga kagamitan ay ginagamit sa pananamit, pagluluto, sining at marami pang iba. Pinatunayan ng museo na ang museo na ang mga Pilipino ay may iba't ibang paraan ng pamumuhay.

Mga bahagi nang Museo (Part 3)

Pagkatapos namin sa comedor, kami ay pumunta sa Cocina. Dito namin natutunan na ang cocina ay kadalasan matatagpuan na nakahiwalay sa bahay kasi ito ay itinuturing na may pinaka malaking panganib masunog, dito din namin natagpuan ang iba't ibang klaseng sinaunang kagamitang panluto. Dito din matatagpuan ang mga sinaunang pang plantsa, isang halimbawa nito ay ang prensa de piye na gawa sa kahoy, ito ay inilalapag nang tuwid sa lapag at ginagamitan nang isang paa para sa pag plantsa nang damit. 







Ang aming sunod na pinuntahan ay ang Azotea. Sa azotea nag lalaba at nag papatuyo nang mga damit. Ito din ay napapaligiran nang mga posteng arko na gawa sa bato. Ang azotea ay isa ding nakabiting hardin na ginagawang libangan nang mga tao at kung saan kadalasan nag tsa-tsaa ang mga tao tuwing hapon. 


Mga bahagi nang Museo (Part 2)

Ang sunod naming pinuntahan ay ang Sala Mayor. Ang sala mayor ay lugar para sa mga okasyon na tinatawag na tertulias. Ang disenyo nang lugar na ito ay naka base sa disenyo nang ayuntamiento o city hall. Ang kulay nang lugar na ito ay pula at dilaw katulad nang bandera nang mga espanyol.




Ang sunod na pinuntahan namin ay ang comedor, ito ay isang malaking kainan na meroong malalaking lamesa kung saan mag kakasya ang labing-walong tao. Ang mga pader nito ay puno nang mga iba't ibang klase nang mga plato. Matatagpuan din dito ang mga Punkahs, ang punkah ay tela na matatagpuan sa kisame, ginagamit ito pang bugaw nang mga insekto. Meroong hinihigit ang mga katulong na mahabang tali upang ito ay mapagalaw.





Tuesday, October 27, 2015

Mga bahagi nang Museo (Part 1)

Ang aming unang pinuntahan ay ang Guevara hall, puno ito nang matatandang santo na gawa sa kahoy, isang libro na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga agimat, at mga gamit na galing sa pamilya Guevara.






Pag katapos namin sa Guevara hall, kami ay umakyat nang museo upang mapuntahan ang Caida, ang salitang Caida ay galing sa espanyol na salita na "caer" na ang ibig sabihin ay hayaan malaglag. Ito ay ang tradisyonal na tanggapan nang bisita at dito din nililibang ang mga kaibigan tuwing mga normal na okasyon. Ito ay malaki dahil eto ay maaari din gamitin nang pamilya na kainan at sayawan. Ito din ay puno nang matatandang gamit at mga dekorasyon na nag papakita nang impluwensya ng mga espanyol sa Pilipinas noon.




Pag dating namin sa Museo De La Salle

  Kami ay pumunta sa Museo De La Salle noong Setyembre 15, 2015. Pag dating namin sa labas nang Museo, kami ay binati nang malalaking pintuan na tinatawag na puerto mayor, na ang ibig sabihin ay ang pangunahing pintuan, ito ay binubuksan lamang tuwing may papasok o lalabas na mga karwahe at mga carroza. Kami ay pumasok sa postigo o pintuang pantao na matatagpuan sa ilalim nang puerto mayor.

 Pag pasok namin sa Museo, kami ay pumila sa Zaguan. Ang zaguan ay galing sa arabikong termino na ang ibig sabihin ay daanan, ito din ang tawag sa buong  unang palapag na binubuo nang mga kwarto para sa taguan nang mga carroza, mga inaning palay, at matatandang kasangakapan nang bahay. 




Dumating ang aming mga tour guide at nag bigay nang impormasyon tungkol sa museo, Ang Museo De La Salle ay naka disenyo sa mga pinaka mahusay na halimbawa nang mga bahay na bato na matatagpuan sa Pilipinas.Pagkatapos nang tour guide namin mag paliwanag tungkol sa museo, ang kada grupo ay pumunta sa iba't ibang bahagi nang museo .